Dahil Emo Ako Ngayon
Siya ang ideal guy ko. Lahat ng hinahanap ko sa opposite sex, nasa kanya. Pero hanggang doon na lang yoon. Sabi ko pa noon mahirap na ang makahanap ng iba kasi nakita ko na si ideal guy. Pero syempre tinatawanan ko na lang ngayon yung emo’ng linyang yun.
May natutunan din naman ako. Walang lugar sa mundo ang idealismo. Sa kadahilanang ang pagiging idealistic ay iba sa pagiging realistic. Di naman porke ideal one mo sya, ideal one ka na rin para sa kanya. Di naman pala talaga automatic yun.
Di ko man ideal guy ang kasama ko ngayon, masaya naman ako. Mas gugustuhin ko na ito kesa naman mag-iilusyon ako, diba?
Di na ako bitter, PROMISE! Pag nagkita tayo, Ideal Guy, magha-HI! ako.
Mga Puna
Jump to comment form | comment rss [?] | trackback uri [?]