Mahirap Ka Na! Oo Na!

Mag-e-eleksyon na naman. Marami na namang mga pulitikong nag-aagawan sa atensyon ng mga botante, kanya-kanyang tapunan ng putik, at nagpapayaman sa mga mga TV networks, mga radio stations, at mga dyaryo. Di pa kasali dyan yung mga pagpi-print ng mga campaign paraphernalia nila.

Matanong ko lang no, san ba nanggagaling yung mga budget nila para sa magastos na kampanya nila? May disclaimer man sa huli ng political ads nila na nagsasabing “Paid for by the friends/supporters/ek ek of Chuva“. What the…! Sino namang niloko nyo? At bakit tayo magpapaloko? Alam nating pare-pareho na yung mga politikong tumatakbo mismo ang gumastos para doon. Duh.

Tsaka bakit ba kailangang ang pagiging mahirap ng mga politikong ito noon ang binibida nila ngayon? May nalalaman pa’ng “si chorva ang tunay na mahirap”, o di kaya ay “pang-masa si ek ek dahil alam nya ang buhay mahirap”. Sabihin nyo nga sakin, eh ano naman?E di alam nyo na. E di kayo na yung tunay na mahirap. Fine. Inaagaw ba? Nagiging tampulan pa tuloy kayo ng mga jokes sa mga social networking sites.

Ewan ko ba. Sa pagtatapos ng botohan at bilangan, maging simula na kaya ito ng magandang kinabukasan ng Pilipinas o lalo lang tayong malulugmok? Hay. Sa mga politiko, matupad man o hindi ang mga pangako nyo, sana lang wag nyo na lang hilahin pababa ang bansa natin.


About this entry