Pet Name
May pet name ka ba? Yung supposedly cute name na inimbento ng nanay mo o kaya ng kapitbahay nyo na para lamang sa’yo. Ako kasi meron eh. Paki mo diba? Pero sasabihin ko pa rin. Di nga lang kagandahan. Baktol. Oo, baktol. Tama ang nabasa mo. Baktol na kagaya ng tawag sa bakat na pawis sa kilikili mo.
Pero kumpara sa mga pet names ng mga kapatid ko, mas okay pa rin yung akin. Yung sa panganay kong kuya Ketong ang pet name nya, o Kets for short. Palibhasa feeling kutis mayaman sya, pag kinakagat sya ng lamok o ng kung ano man at kinamot nya, nagsusugat agad at nagpepeklat pa. Eh ang puti nya kaya halatang-halata. Pinaganda ng isa ko pang kapatid kaya kilala na sya bilang Kets ngayon.
Yung isa ko naman kuya, hahahaha napakaganda talaga. Kilala naman sya sa pamilya namin bilang si Gilagid. Sayang di ko lang na-scan yung picture nya nung grade school sya pero todo ngiti pa sya noon tapos ang itim itim nya pa tapos ang liit liit nya tapos… Wahahahahaha. Katawa talaga. Wala kasi yung kanyang two front teeth. Kaya yung loko loko kung tito tinawag syang Gilagid.
Ang cute namin diba?
Kayo? May pet names din ba kayong kasing bantot ng amin? Aminin!
About this entry
You’re currently reading “Pet Name,” an entry on Ako Si Richelle
- Published:
- Enero 30, 2010 / 3:15 umaga
- Kategoriya:
- 1
- Mga Marka:
Mga Puna
Jump to comment form | comment rss [?] | trackback uri [?]