Pacencia Biskwit

Sabi nila “patience  is a virtue”. Pero dahil sa di ako naniniwala sa kanila at di ako virtuous, di ako pasensyosang tao. Lalo na kung ang usapan ay magkikita ng ganitong oras sa ganitong lugar ngunit darating ka lamang makalipas ang 3 oras mula sa nakatakda at nawala ka pa. Tanga. Di pa naman nangyayari sa akin yan sa kadahilanang ang maximum time ko lang sa paghihintay ay 15 minutes.  Pag lumagpas ka na doon, sorry ka, go home na ako.

Masamang ugali lalo na kung ang paguusapan ay yung kasabihang “good things come to those who wait“. Pero joke ba yan? Ano nalang ang nangyari sa dapat maging assertive and aggresive ka kung gusto mo mag-succeed?

Kung iisipin nating mabuti, maraming kasabihan sa mundo na magulo gaya mo. Halimbawa, “birds of the same feather, flock together“. Duh. Eh bakit ang magnanakaw galit sa kapwa magnanakaw? E diba supposedly pareho sila ng feather? E bakit sila galit? Contradicting.

May isa pa. Medyo emo ha, pasintabi. Isa pang sabi ng mga mang uuto, kapag mahal mo nang isang tao, ipaglaban mo. Tapos sabi sa kabila, “learn to let go“. Eh ano ba kasi talaga? Bakit ang gugulo ng mga hinayupak na utak nyo?

Huhulaan ko. Mga babae ang nag-isip ng mga kasabihang yan. *wink*

Kung ano’t ano pa man, ang ayaw ko lang naman talaga eh yung nahihintay akong parang tanga at nagmumuka akong nginuyang bubble gum eh. Mahirap ba kasing sumunod sa napag-usapang oras?


About this entry