Pagpapakilala

Halu! Ako si Richelle. Sabi ng mga kaibigan ko’ng bading, tomboy daw ako. Sa tingin ko naman hindi. Confused lang. Charing! Babae naman talaga ako at lalaking may lawit din ang hanap ko. Yung totoong lalaki, hindi lamang yung mga hugis lalaki.

Dahil siguro sa sumpa ng pagkakataon at ng mga magulang ko kaya napagkakamalan tuloy akong tomboy. Laking exclusive school kasi ako. Sabi nga nila, ang mga exclusive schools na gaya ng CSJL, CSR, Don Bosco at LCCM ay ilan lamang sa mga breeding ground ng kabadingan at katomboyan.

Isisisi ko na rin sa dalawa kong kapatid. Maraming naiinggit sakin at naiintindihan ko naman sila kasi may dalawa akong mas matatandang mga kuya. Sweet kaso ibig sabihin rin noon, namulat ako sa mga larong panlalaki. Naaalala ko pa nga noong kinder ako nakikipaglaro ako ng suntukan doon sa kapitbahay naming si James Baliw kasi panghapon ako noon. Bakit James Baliw? Ewan ko. Para yata sounds like James Bond. Naks. Hehe. Parang hindi naman. Nung mga panahon na yoon syempre malay ko ba ‘no pero ngayon, buong ningning ko ng masasabi na may pagkabaliw nga sya.

Pero dati pa yoon. Mahinhing dalagang Filipina na ako. May bahid nga lang ng kabaklaan sa katawan pero babaeng babae pa rin naman. Kumekerengkeng na nga eh.  Ang gulo. Basta babae ako. Kaya sa mga detractors ko, sorry na lang kayo. *witch laugh*


About this entry